Tema:
"Kakaibang Elemento (Diwata, Engkanto, Duwende, atbp.)"
Maikling Kwento Writing Contest Winner
Yu Ijin
Title: “Ang Antukin Na Si Roberto”
Noong unang panahon, may isang binata na kung ito'y tawaging antukin, siya'y nagbibigay galit sa kanyang ama, maliban na lamang sa kanyang maalaga't mapagmahal na ina. Sapagkat siya lamang ang nag-iisang anak ng dalawang mag-asawa sa bukid.
Zzzz… Zzzz… Zzzz
Tunog ng kanyang bibig habang ang kanyang kaisipan ay nasa loob ng kanyang panaginip. “Roberto, ika'y bumangon na ryan sa kinahihigaan mo't pumunta na rito sa silid-kainan” Tawag ng kanyang maganda at maalagang ina, na siyang nagpapakahirap para lamang mapakain ang isang tulad nyang walang ginawa kundi matulog lamang.
“Nandyan na ho, inay” sagot nyang hindi matatag sapagkat siya'y inaantok pa.
“Hay nako, Roberto. Ano'ng oras na oh, alas singko na ng gabi. At Wala ka man lang ginawa kundi matulog, maliwanag sa dilim mga mata mo ay nakapatay. Ganyan ka na ba katamad at hindi mo maigalaw mga katawan mong walang gana? Umayos ka, Roberto” biglang sabi ng kanyang ama nang siya'y naka-upo na.
“Ano ba iyang pinagsasabi mo kay Roberto, ano ba ang masama sa kanyang ginagawa?” sagot naman ng kanyang ina.
“Kaya hindi iyan nagbabago eh, kung anu-ano mga pinagsasabi mo sakanya”
Masakit na sabi ng kanyang ama, habang ito'y kumakain.
Dahil sa mga narinig ni Roberto, siya'y biglang lumabas ng bahay nang nagmamadali at walang paalam.
“Roberto, saan ka pupunta? ” tanong ng kanyang ina nang makita nyang palabas na ito. Ngunit hindi ito pinansin ni Roberto sapagkat hindi maiwasan ng kanyang puso na masaktan.
Hindi na siya pinansin ng kanyang galit na ama, nagpatuloy na lang itong kumain.
“Oy, Roberto! Ngayon ka lang ba nagising ulit? Halika may usapan kami dito” Sabi naman ng kanyang kaibigang lalaki sa daan, habang sila'y nag-uusap usap.
“Oy, Pedro ikaw pala yan…Oo eh” Sagot naman ni Roberto sabay kalmot sa kanyang ulo.
“Alam n'yo ba? May mga kwento saakin si lola nitong nakaraang araw” sabi ng isa sa mga kaibigan nyang nakatambay sa daan.
Pedro: “Ano ba iyon, Onawi, i-kwento mo na din sa amin”
Onawi: “ Ang sabi sa akin ni Lola, may mga engkanto at kapreng pumapaligid sa gubat kapag hating gabi”
Bago pa magsalita si Onawi, bigla na lang
Nakaramdam ng gutom si Roberto, at naisipan nyang maghanap na lamang ng prutas sa likod ng bayan. Hindi na siyang nagtangkang umuwi, sapagkat siya'y natatakot na baka sa kaling marinig na naman ang masasakit na salita galing sa kanyang ama.
Dali-dali siyang nagpunta sa lawa, kung saan may maraming saging na maaari nyang kainin para magkaroon na ng lakas ang kanyang katawan, hindi pa naman ito madilim kaya't nakikita pa nya kung alin ba ang hinog at makakain.
Habang siya'y naka-upo sa ibaba ng punong saging at kumakain, bigla nyang naisipang matulog na muna.
‘Inaantok na ako, matutulog na lang ako ng mabilis’ bulong nito sa kanyang isipan.
Hindi na ito nagising hanggang sa dumilim na ang paligid. Alas dose na ng gabi, siya'y natutulog pa din ng mahimbing.
nang siya'y nakahiga at matutulog pa lamang sa madamo at madilim na paligid nang biglang marinig ng kanyang dalawang pandinig ang marikit at mahalimuyak na tinig ng isang babae, ito'y maningning at dakila, sapagkat ang bawat tono nito'y nagbibigay liwanag sa madilim at patlang na katanungan sa iyong kaisipan nang sino mang tao ang maka rinig nito.
‘Hmm… sino kaya itong umaawit na may magandang tinig, anong oras na ba? ’tanong nito sa kanyang sarili
Labis na nakakahumaling, nagbibigay liwanag sa kanyang dalawang pandinig. Ito ang naging sanhi ng kanyang pagbukas sa kanyang dalawang mata.
Nang kanyang buksan mga mata nyang inaantok pa, bigla nyang namasid ang magandang diwata sa lawa, makinis ang balat at may magandang tinig. Siya'y kumakanta habang naka-upo sa ibabaw ng isang malaking bato at minamasdan ang ganda ng kalikasan. Ito'y may maputi at manipis na damit na para bang isang anghel.
Ang lawa ay kumikinang, nagbibigay liwanag sa lahat, habang ang mga isda ay tumatalon sa tubig at ang liwanag ng bituin kasama ang inang bituin ng madilim na langit, na siyang nagbibigay liwanag sa lawa.
Siya'y bigla na lang napaibig sa magandang diwata ng lawa, habang siya'y nagmamasid at nakasilip sa matataas na damo.
“Sino ka?! Ano'ng ginagawa mo dito? ”tanong ng isang babae nang bigla nya itong ginulat si Roberto. Puti ang kanyang damit at may maitim itong buhok
Bago pa nya ito mapansin, mga balahibo nya ay tumayo at bigla na lang nakaramdam ng lamig.
Hindi na siya nagdalawang isip na tumakbo na lang at Hindi sinagot ang katanungan ng isang babae.
“Ahh!!! Tulong!!! May multo! ”
Sigaw nyang malakas habang binibigkas ang salitang maputing babae.
“Alena, ano'ng ginagawa mo ryan?! Sino iyon, bakit parang may narinig akong sumigaw?” Biglang tanong ng magandang diwata sa lawa.
“Wala iyon, Liwanag may isang taong nakamasid habang ika'y umaawit” Sagot ni Alena kay Liwanag
Dali-dali nang umuwi si Roberto, kahit ito'y madilim na. Ang lawa lamang ang may iisang liwanag, habang ang daan ay madilim at makulimlim. Ngunit sa sobrang takot nito, kahit ito'y madilim na, tumatakbo siya ng mabilis hanggang sa hindi nya namalayang napunta na siya sa kagubatan.
Ito'y napakadilim at tahimik. Subalit ang mga ibon at insekto sa kapaligiran ay siyang pumutol sa katahimikan nito. Mga sigaw ng mga hindi gaanong naririnig sa kapaligiran ay siyang naririnig nito. Lubos ang kaba nya, puso nyang hindi mapigilan sa pagtibok.
Nanginginig na siya sa takot habang ang kanyang nga kamay ay nakapatong sa kanyang katawan. Ngunit sa kasamaang palad, siya'y naligaw na lamang.
Ilang oras na ang lumipas at ang araw ay malapit nang lumabas at magbigay liwanag sa kapaligiran, pagod na pagod na ang kanyang dalawang paa upang hanapin ang kanilang bahay. Hindi nagtagal ay siya ring namasid ang kanilang lugar at luha ay biglang nahulog nagmumula sa kanyang mga mata. Siya'y sabik nang makita ang kanyang pamilya at nagsisi na gawin ulit ang mga bagay na hindi magandang gawain…
Simula noon, si Roberto ay nagbago. Natutulog na siya at gumigising sa tamang oras. Subalit hindi alam ng kanyang pamilya ang nangyari kung bakit ba nagbago si Roberto.
defeated.
Maikling Kwento Writing Contest 1st Runner-Up
Gamin Yoon
Title: "Ang Gabing Iyon"
Malungkot na tinitignan ko ang sinag ng buwan sa madilim na kalangitan. Inayos ko ang pagdungaw ko sa bintana ng kwarto ko at napabuntong-hininga.
Nakalipas ang ilang segundo ay naramdaman kong nag-iinit ang mga mata ko at namuo ang mga luha na kanina pa gusto kumawala. Tahimik akong umiiyak habang nakatingin pa rin sa kalangitan. Napangiti ako ng mapait.
Sa isang iglap ay may dumaan sa harap ko. Isang paru-parong nagliliwanag at dahan-dahang dumadaan sa harap. Napakislap ako ng aking mata sa nakita.
Pinagmasdan ko ito ng maigi at mayamaya ay bigla itong tumigil sa bukawan ng bintana. Napalayo ako sa kinalalagyan ko. Bigla itong nagliwanag at sa muling pagdilat ko ay may isang lalaking nakaupo sa bintana. Nakatingin ito sa akin at ito'y ngumiti.
Napakurap ako at 'di maiwasang kabahan. Nakasuot siya ng puting damit at nililipad ang buhok niyang itim.
"Hi." sabi niya.
"Sino ka? Paanong bigla kang naging tao?" tanong ko sa kanya.
Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako sa aking kinatatayuan. Tumigil ito sa harapan ko at yumuko para tignan ako.
"Akiro. Ako si Akiro. Masaya akong makita ka, Grasya." Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang ulo ko.
"Nandito ako para sayo.."
Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil biglang nandilim ang paningin ko. Huling naalala ko ay sinalo niya ako bago ako nawalan ng malay.
NAKALIPAS ang isang buwan, simula ng mangyari iyon. Sa pagkikita namin tuwing gabi ay lagi pa rin itong dumadating sa anyong paro-paro papasok ng bintana.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng maaninag ko ang kanyang anyo. Lumayo ako sa bintana at lumiwanag ang palogid.
"Grasya.."
Idinilat ko ang mata ko at nakita siyang nakangiti sa akin.
"Nandito ako para sabihing kailangan ko ng umalis." Sabi niya. Nagtaka ako kung bakit niya ito sinabi.
"Hangad ko ang kaligayahan mo sa lahat ng araw. Sana gumising ka na, Grasya." Huling sabi niya sa akin na nagpagulat sa akin.
"Anong ibig mong sabihin, Akiro?" tanong ko. Nagtangka ito lumapit pero nagulat ako para akong hinila ng malakas na pwersa paalis sa pwesto ko. Tinignan ko siya at nakangiti ito sa akin na para bang nagpapahiwatig siyang ayos lang ang lahat.
"Mahal kita." huling narinig ko bago ako hilahin ng malakas ng pwersang nagpalayo sa amin.
NAGISING ako sa aking pagkakahiga at hinahabol ang hininga. Isa-isang nagsibagsakan ang mga luha sa aking mata at tunignan ang paligid. Nandito ako sa isang kwarto na puti at mapapansin kong nasa pagamutan ako.
May pumasok sa loob at gulat na gulat na makita ako.
"Grasya! Diyos ko! Buti nagising ka na." Sigaw na sabi nito at lumapit sa akin para yakapin.
Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha ko at malungkot pa rin siyang tinignan. Hinawakan niya ang mukha ko, at nagsalita.
"Grasya, magiging maayos din ang lahat. Si Kiro, alam kong gusto niyang maging masaya ka. Kaya, anak, ayos lang yan ha?"
"A.. Akiro?" nanghihinang sabi ko.
Tumango ito at nginitian ako ng mapait.
"Isang buwan na ang nakalipas simula ng maaksidente kayo sa bakasyon niyo sa Albay ngunit.." tumigil ito magsalita at sinulyapan ako. "Ikaw.." nagsituluan ang mga luha niya at huminga ng malalim bago ako tignan sa mata.
"Ikaw lang ang nakaligtas sa aksidente. Si Akiro.. namatay." sa kanyang pagsalita.
Napukaw ng atensyon ko ang isang paru-parong lumilipad sa kwarto at lumabas sa bukas na bintana. Sumakit ang aking dibdib at nahirapang huminga. Lumabas si Tita para tumawag ng Doktor at naiwan akong mag-isa sa kawrto.
"Grasya.. tandaan mong mahal na mahal kita."
Isang boses ang narinig ko at nakita kong dahang-dahang naglaho ang paru-paro.
"Akiro.."
Maikling Kwento Writing Contest 2nd Runner-Up
Jirou Kyouka
Title: "Ang Pinagbabawal na Pag-iibigan"
"Ma may kwente kapa tungkol sa mga diwata at mga engkanto??. " sabi ng isang batang babae habang siya ay naghahanda nang matulog.
"Oo anak, gusto mo marinig??" sagot naman ng kanyang ina.
"Opo ma!!" sigaw nang bata sa tuwa habang dalidali siyang humiga sa kanyang kama upang marinig ang kwento ng kanyang ina.
Sa isang malalim at ymisteryosong kagubatan, may isang magandang Diwata na nagngangalang Liwanag. Siya'y tagapangalaga ng kalikasan at kaligtasan ng kagubatan. Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging malakas at matapang, may isang bagay na hindi niya inaasahan - ang kanyang puso ay biglang bumilis nang siya'y makilala ang Engkanto ng kagubatan na si Maliksi.
Si Maliksi ay isang Engkanto ng kalikasan na namumuhay sa ilalim ng mga puno't halaman. Siya'y may malambing na kilos at matamis na mga ngiti na nagpapalakas ng kanyang kagandahan. Nang unang makita ni Liwanag si Maliksi, agad niyang naramdaman ang isang bagay na bago sa kanyang damdamin - pagkabighani.
Habang naglalakad si Liwanag sa kagubatan, nadidinig niya ang tinig ni Maliksi sa hangin. Hindi niya mapigilang ngumiti tuwing naririnig niya ito. Nang magkataong magtagpo sila sa may ilalim ng malaking kahoy, nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap.
"Magandang araw, Liwanag," bati ni Maliksi na may ngiti sa labi.
"Magandang araw din, Maliksi," sagot ni Liwanag na tila ba nahuhulog ang kanyang mga mata sa mga mata ni Maliksi.
Habang nagtutulungan silang pangalagaan ang kalikasan, mas lalong lumalim ang kanilang pagkakaibigan. Sa bawat pag-uusap, mas lalong napapalapit ang kanilang mga damdamin. Ngunit alam ni Liwanag na may limitasyon ang kanilang pag-iibigan. Ang pagmamahal ng isang Diwata sa isang Engkanto ay ipinagbabawal - isang pagkakasala sa kanilang mga uri.
"Maliksi, alam mo ba na bawal tayong magkaroon ng relasyon?" ang tanong ni Liwanag na may kaba sa kanyang dibdib.
Nagpatigil si Maliksi at tumingin sa mga mata ni Liwanag. "Oo, alam ko. Pero puso ko ay hindi ko kayang kontrolin. Ikaw ang nagbibigay liwanag sa madilim kong buhay."
Sa kabila ng bawal na pagmamahalan, hindi nila mapigilang mahulog ang kanilang mga puso sa isa't isa. Bawat sandali na magkasama sila, mas lalo nilang napapalalim ang kanilang pag-ibig. Subalit, ang kanilang lihim na pag-iibigan ay naging sanhi rin ng pag-aalala.
Isang araw, sa gitna ng pag-uusap, biglang dumating ang isang Matandang Diwata. Siya ang tagapayo ni Liwanag at nagdala ng malungkot na balita. "Liwanag, may mga usap-usapan sa kaharian ng mga Diwata. Nalamam na namin ang iyong lihim na pagmamahalan kay Maliksi."
Nahulog ang kanyang mga luha habang pinapakinggan ang tagapayo. Alam niya ang kanilang pag-iibigan ay mapanganib para sa kanilang mga buhay at komunidad. Kailangang mamili siya sa pagitan ng kanyang pagmamahal kay Maliksi at ang kanyang tungkulin bilang tagapangalaga ng kalikasan.
Sa huli, napagpasyahan ni Liwanag na tahakin ang tama at iwanan si Maliksi. Ngunit ang pagluha ni Maliksi ay nagpapakita ng kanyang pait na nararamdaman.
"Mahal kita, Liwanag," bulong ni Maliksi habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
"Mahal din kita, Maliksi," sagot ni Liwanag na puno ng sakit sa puso.
Naglakbay si Liwanag kasama ang kalungkutan sakanyang puso, iniwan ang kagubatan, at iniwan si Maliksi. Ang kanilang pagmamahalan ay muling nagpatunay na sa kabila ng mga pagkakaiba, maaari pa rin magtagpo ang mga puso na hindi magkasundo.
Top 5
Maikling Kwento Writing Contest Top 5
Gray Fullbuster
Title: "Ang iniirog ng Diwata"
Matagal nang nakatira sa isang malayong kaharian si Arvin, isang simpleng mangingisda. Anino ng kahirapan ang bumabalot sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit kahit mahirap, maligaya si Arvin dahil sa kanyang mahal na kasintahan na si Luis. Sa kanilang munting tahanan ngunit napakatamis na pag-ibig, lumulutang ang kanilang mga pangarap.
Si Luis naman ay isang diwata na nakatira sa kaharian ng mga diyosa at diyos. Bilang isang diwata, siya ay biyayain ng kapangyarihan at maamong anyo. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nakakaramdam rin siya ng kalungkutan. Sa kanyang pag-iikot sa mundo ng mga tao, nakita niya si Arvin na may sinisigaw sa pag-ibig at pangarap. Dahil sa kanyang kapangyarihan, sinadyang hinayaan ni Luis na mahulog ang kanyang puso sa ordinarya at simpleng lalaki na si Arvin.
Sa mga salu-salo sa kaharian ng mga diyosa at diyos, nag-iwan ng isang sekreto si Luis sa mga kasama niyang mga diwata. Sa malayong kaharian ng mga diyosa at diyos, ang pag-ibig sa mga tao ay mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit ang pag-ibig ni Luis kay Arvin ay di-maiiwasan at sadyang malalim.
Isang araw, naglabas ng pahayag si Hari Datu, ang namumuno sa kanilang kaharian. Nagbabanta siya na kung hindi matatagpuan ang nag-iibong pag-ibig sa kanyang kaharian, ang mga tao diyos at diyosa ay magiging daan-daang taong-ibabaon ng kanyang galit. Kinabahan si Luis at nag-alala para kay Arvin. Hindi niya kayang pabayaang masaktan ang kaibigang si Arvin, at ang mga taong kasama nila sa kaharian.
Sa tulong ni Evan, isang kaibigang diwata ni Luis, nahanap nila ang isang propesiya na tutupad sana sa mga nangyayari. Ayon dito, ang solusyon sa pagbabagong pinapangarap ng hari ay ang magsasalaysay ng isang maikling kuwento tungkol sa isang wagas na pag-ibig. Pero ang huling patak ng isang sinserong luha mula sa pangarap na pag-ibig na ito ay dapat nalunod sa lawa ng malungkot na kalungkutan.
Nagsimula sina Luis at Arvin na bumuo ng kanilang kuwento. Sa pamamagitan ng kuwento, napaalalahanan nila ang mga tao at diyosa tungkol sa halaga ng pag-ibig, kahit na ito ay hindi perpekto. Ang kanilang kuwento ay puno ng mga sandaling pagdiwang at kalungkutan, ngunit lagi nilang binalikan ang katotohanan na ang pag-ibig ay nagbibigay ng liwanag sa dilim ng mga pagsubok.
Sa huling patak ng kanilang salaysay, grabeng kalungkutan at sakit ang ipinaranas sa kanila. Isang daang taong kasabay na umiyak at ang luha nila ang nalunod sa lawa ng kalungkutan. Ang kanilang pag-ibig ay inalay para sa ikabubuti ng lahat. Nagpatuloy ang mundo at umawit ang mga diyosa at diyos ng kaligayahan.
Ngunit sa puso ng kaharian, sa malayong kaharian ng mga diyosa at diyos, hindi nila nakalimutan ang pag-ibig ng dalawang nilikha na ito. Ang kuwentong ito ang nagligtas sa kanilang kaharian at nagbigay-daan sa mga tao at diyosa na patuloy na maalala ang halaga at kapangyarihan ng tunay na pag-ibig.
Ang Pag-ibig ng Diyosa ay naging magandang halimbawa at paalala na ang wagas na pag-ibig ay may malaking epekto sa mundo. Hindi lang ito para sa sarili kundi para sa lahat. Dahil sa tunay na pag-ibig, ang mga tao at diyosa ay naging mas buo, mas taimtim sa kanilang mga layunin, at mas handa sa mga pagsubok na darating.
Sa kasalukuyan, ang kuwento ng Pag-ibig ng Diyosa ay patuloy na ipinapasa at pinagmamalaki ng mga tao at diyosa. Ipinapakita nito na kahit sa kadiliman ng mundo, mayroong linaw at liwanag na dala ang pag-ibig ng dalawang nilikhang ito.
Maikling Kwento Writing Contest Top 5
Sebas Tian
Title: "Diwata"
Kwento ito ng isang ginoong nagngangalang "Jepoy"
At nang kakaibang karanasang kanyang natunghayan ng siya'y nababakasyon sa lugar ng Los Baños , Laguna.
Bakasyon nung mga panahon na yon kaya napagpasyahan ni jepoy magbakasyon sa tirahan ng kanyang lola pacita . Namangha si jepoy sa kagandahan ng lugar ng kaniyang lola dahil ito ay napapaliputan ng mga puno. "Napakaganda naman ng tanawin dito , lola!" Masayang bigkas ni jepoy . "Oo apo maganda talaga ang tanawin dito . Tahimik at nakakagaan ng pakiramdam" sagot ng kaniyang lola. "Pero apo huwag kang lalayo dahil baka maligaw ka." Pahabol pa ng kaniyang lola.
Napaisip si jepoy sa sinabi ng kanyang lola kaya siya ay naglakad lakad . "Ang laki ko na para maligaw" pabulong na sambit ni jepoy . Naglakad siya ng naglakad sa kakahuyan ng biglang tila hindi niya na alam ang lugar na kaniyang pinupuntahan . "Nako po ! Naliligaw na ata ako !" Takot na salita ni jepoy .
Naglakad ng naglakad parin jepoy sa pag aakalang makikita niya ang daan pauwe pero sinawing palad si jepoy at siya ay napagod . Kaya naisipan netong maupo muna sa isang malaking bato. "Nagpaikot ikot na ko pero di ko parin makita ang daanan pauwe sa amin" hingal na bigkas ni jepoy .
Dumidilim na ang langit at kinakabahan na si jepoy na baka may umatake sa kanyang mabangis na hayop . "Paano na ! Paano na" natatarantang sambit ni jepoy . Biglang may kung anong lumundagna nilalang sa kanyang harapan . "Aaaaahhhhhh!" Sigaw ni jepoy . Pero bigla din siyang kumalma nung makita nya na isang binibing nakasuot ng baro't saya na may maputi at maamong mukha pala ang lumundag . "Huwag kang matakot ginoo" bigkas ng binibini. "Pasensya na kung nagulat kita , Ako nga pala si Maria " pahabol pa ng binibini . "Ikinagagalak kitang makilala , ako nga pala si jepoy ." Nakangiting sagot ni jepoy. "Maggagabi na bakit nasa gitna ka pa ng kakahuyan?" Tanong ni maria . "Naliligaw kasi ako , hindi ako nakinig sa sinabi ng lola pacita ko" malungkot na sambit ni jepoy . "Huwag kang mag-alala kabisado ko ang lugar na to" masayang bigkas ni maria. "Talaga! Maraming salamat!"
Nagsimula ng maglakad si maria at sinundan ito ni jepoy. "Nandito na tayo" nakangiting sabi ni maria . "Talaga!" maluha luhang sagot ni jepoy.
Nakita ni jepoy ang kaniyang lola at dali dali siyang tumakbo papunta rito. "Lola! Lola" tuwang tuwang sigaw ni jepoy . "Oh bakit ka sumisigaw ? Bakit pawis na pawis ka saan ka ba nanggaling?" Tanong ni lola pacita . "Hindi po ako nakinig sayo lola at naglakad lakad ako kaya naligaw ako . Buti nalang may binibining tumulong sakin" paliwanag ni jepoy . "Binibini? Ikaw lang naman ang nakita ko" sambit ng lola pacita. "Meron po akong kasama" tumuro si jepoy sa dereksyon ni maria pero wala na dun ang binibini. "Hulaan ko napakaganda ng binibining tinutukoy mo" pangiting sambit ni lola pacita . "Paano mo nalaman lola?" Tanong ni jepoy . "Magpasalamat ka apo dahil tinulungan ka ng diwanta ng bundok na ito".
Other Entries
Maikling Kwento Writing Contest Entry#1
Nezuko Kamado
Title: "Elemento: Ang Pagbagsak ng Kadiliman"
Sa lupain ng mga diwata, nakatira ang isang pangkat ng mga mahiwagang nilalang na kilala bilang mga Elemento. Ang mga Elemento ay binigyan ng kapangyarihang kontrolin ang lupa, hangin, apoy at tubig. Ang bawat Elemento ay may sariling natatanging kapangyarihan at personalidad.
Isang araw, nagpasyahan ng masamang bruhang si Malicia na makipagdigma laban sa mga Elemento. Ipinadala niya ang kanyang hukbo ng mga maliliit at madidilim na nilalang upang sirain ang mga Elemento nang paisa-isa.
Ang unang Elemento na natalo ay ang Earth. Ang Earth Element ay isang malaki at makapangyarihang nilalang na maaaring lumikha ng mga bundok at yanigin ang lupa sa ilalim niya. Ngunit nagawang talunin siya ng mga maliliit at maitim na nilalang sa kanilang mga numero at kalaunan ay natalo siya.
Ang pangalawang Elemento na natalo ay ang Tubig. Ang Water Element ay isang misteryoso at mapaglarong nilalang na kayang kontrolin ang mga karagatan at lumikha ng mga higanteng alon gamit ang kanyang kapangyarihan. Ngunit nagawa siyang bitagin ng maitim na nilalang sa isang web ng seaweed at ikulong siya.
Ang ikatlong Elemento na natalo ay ang Hangin. Ang Wind Element ay isang maganda at matulin na nilalang na maaaring lumikha ng mga bagyo at buhawi gamit ang kanyang kapangyarihan. Ngunit nagawang pabagalin siya ng maitim na nilalang at kalaunan ay naabutan siya.
Ang ikaapat at huling Elemento na nahulog ay ang Apoy. Ang Fire Element ay isang maapoy at madamdaming nilalang na maaaring lumikha ng mga bulkan at magsunog ng anuman gamit ang kanyang kapangyarihan. Ngunit nagawang talunin ng maitim na nilalang ang kanyang apoy at bitag siya sa isang kulungan na yelo.
Habang ang mga Elemento ay natalo at makulong, ang lupain ay nilamon ng kadiliman at kaguluhan. Ang mga tao ay napuno ng takot at pagkalito, at pinamunuan ni Malicia ang lupain.
Ngunit pagkatapos, isang grupo ng mga magigiting na bayani ang lumitaw mula sa mga anino. Pinamunuan sila ng isang maganda at makapangyarihang mandirigma na nagngangalang Luna. May kapangyarihan siyang kontrolin ang liwanag at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para labanan si Malicia.
Si Luna at ang kanyang pangkat ng mga bayani ay buong tapang na nakipaglaban kay Malicia at sa kanyang maitim na nilalang. Nakipaglaban sila sa himpapawid, karagatan, bundok, at kapatagan. Mahaba at mahirap ang mga laban, ngunit dahan-dahan, nagawang talunin ni Luna at ng kanyang mga kapanalig ang kadiliman at nagtagumpay laban kay Malicia.
Sa huli, natalo ni Luna si Malicia minsan at para sa lahat, at ang mga Elemento ay nakabalik sa kanilang dating kaluwalhatian. Ang lupain ay napuno muli ng liwanag at pagmamahal, at ang mga tao ay namuhay nang maligaya magpakailanman.
Maikling Kwento Writing Contest Entry#4
Nanami Haruka
Title: "Ang Babaeng nasa ulap"
Tahimik ang gabing iyon payapa ang sumasalubong na hangin na sumasabay ang mga paglagasgas ng mga dahon mula sa kawayan.
Maliwanag at tila nangaakit lumabas ang bilog na bilog na buwan
dis oras ng gabi ako ay lumabas upang tapusin ang mga hugasin mula sa kainan
nang akoy may maulinigan na tila isang tawag ng uwak senyales na may parating na isang kakaibang nilalang na kung tawagin sa amin ay wak wak(manananggal)
sumabay ang malakas na ihip ng hangin di sinasayadyang napaangat ang aking paningin at nandun nakita ng aking dalawang mata ang matandang babae na nasa ulap sumasabay sa galaw ng ulap! Kalahati ang katawan mahahaba ang galamay at ang daliri at kukong kasing talas ng agila ang kanyang kuko na itim na itim ang buhok nyang mahaba at kulay abo na kasing kulay ng ulap sa gabi nanlaki at hindi makapaniwala ang isang tulad ko na totoo ang mga haka haka sa aming lugar totoo ang wakwak.
Dahan dahan akong napaatras sa takot hindi inaalis ang aking paningin sa babaeng nasa ulap sumasabay nang aking makapa ang seradura ng pinto siniguro kung kinandado habang di pa din inaalis ang tingin sa matandang babae.
Huling kita ko na sa kakaibang nilalang na iyon sapagkat akoy nagpaalam na uuwi sa takot kong makita ulit ang babaeng nasa ulap.
Maikling Kwento Writing Contest Entry#6
Melissa Podebright
Title: "Natatangi"
Sa isang malayong hindi kilalang lupain ay may nakatirang apat na nayon. Tila mayroong apat na nayon kung saan sa mga taong pinili ng mga dakilang Diyos ay isang elemento ang nanirahan doon.
Ang unang nayon, nanirahan ang mga taong napiling gumamit ng elemento ng hangin. Ito ay may kontrol sa bugso ng hangin, buhawi, at ang panahon. Ang pagmamanipula ng hangin ay ginagamit para sa pagdudulot ng mga bagyo, paglikha ng ulan o paglilinis ng kapaligiran. Sa kabila ng hindi malawakang ginagamit bilang pag-atake ng elemento hindi katulad ng iba pang mga elemento, ang hangin ang parehong pinakamahina at pinakamalakas nang sabay-sabay. Nangangailangan ito ng konsentrasyon upang makasunod sa nais na layunin. Ang hangin ay nauugnay sa mga damdamin tulad ng kalayaan, pagkakaisa, kabuuan.
Ang pangalawang nayon, doon nanirahan ang mga taong kayang kontrolin ang lupa. Maaaring karaniwan ang mga ito, ngunit malakas sila at maaaring mas malakas. Ito ay may kontrol sa mga mineral at paggalaw ng lupa. Ang pagmamanipula ng lupa ay ginagamit para sa lindol, pagyanig, at agrikultura. Ang elementong ito ay itinuturing na pinakamahirap hawakan, dahil solid ang hugis nito na ginagawang hindi gaanong nababaluktot kumpara sa iba pang mga elemento. Gayunpaman, ito ay isang magandang elemento upang gamitin bilang isang malakas na depensa o pag-atake laban sa kaaway. Ang mundo ay nauugnay sa pasensya, lakas, katatagan, kabutihan.
Ang ikatlong nayon, nanirahan ang mga taong gumagamit ng elemento ng tubig. Ito ay may kontrol sa mga anyong tubig, mga likido ng anumang uri. Ang pagmamanipula ng tubig ay ginagamit para sa panghuhula, pagpapagaling at pagpapanumbalik ng kalikasan. Sa kabila ng hindi malawakang ginagamit bilang pag-atake ng elemento, nangangailangan ito ng konsentrasyon upang makasunod sa nais na layunin. Ang tubig ay nauugnay sa mga passive na emosyon tulad ng katahimikan, katahimikan.
Panghuli ang ikaapat na nayon, kung saan ginamit ng mga tao ang elemento ng apoy. Talagang ang pinakabihirang at pinakamalakas sa lahat ng uri ng elemento. Ito ay may kontrol sa mga apoy, baga, o anumang bagay na may mas mataas na temperatura. Ang pagmamanipula ng apoy ay isa sa pinaka ginagamit at pangunahing sa paggamit ng mahika. Gayunpaman, nangangailangan ito ng konsentrasyon, dahil ang pagkawala ng kontrol ng sinumang gumagamit ng kapangyarihang ito ay maaaring humantong sa malawakang pagkawasak at kamatayan. Ang apoy ay nauugnay sa matinding emosyon tulad ng pagsinta at galit.
Ngunit mayroon talagang isa pang elemento na hindi alam ng mga tao. Dahil wala ni isa sa kanila ang nakakuha. Hindi nila alam na mayroong isang tao na nakakuha ng elemento. Anong elemento iyon?
Espiritu (Spirit). Ang Espiritu ay isang ikalimang elemento na bihira sa mga Moroi, na may natatanging katangian ng pagpapanumbalik ng buhay at pagpapagaling sa iba nang halos kaagad. Pinapataas ng espiritu ang pagpilit, na ginagawang mas madali ang paggawa.
Kasama sa iba pang mga kapangyarihan na kasama ng espiritu ang aura sensory, paglalakad sa panaginip, paglikha ng mga ilusyon, telekinesis, at pagbabasa ng isip. Ito ang puwersa sa likod ng lahat ng pag-iral. Ang kapangyarihang ito ay hindi lubos na kumakatawan sa mga diyos, ngunit higit pa sa kapangyarihan sa likod ng Banal: ang ganap, patuloy na pinagmumulan ng lahat ng buhay.
Ang isang tao ay mayroon lamang elementong espiritu. Si Aether iyon, siya lang ang taong may hawak ng elemento ng Espiritu. Siya lang ang napili.
Lumipas ang ilang taon, ay lumaki si Aether. Siya ay sinanay ng kanyang sarili at pinagkadalubhasaan ang elemento ng espiritu. Isang araw, isang digmaan ang nangyari. May kadiliman sa lahat ng lugar sa nayon, ngunit hindi namalayan ni Aether sa nangyari. Maraming nasugatan, hindi nila kinaya ang kapangyarihan ng kadiliman. Masyadong mahina ang mga tao sa elemento ng lupa kumpara sa kapangyarihan ng kadiliman, hindi nila ito kinaya... kaya natalo sila sa labanan at umatras. Ang mga tao sa himpapawid ay nakipaglaban, ngunit ang kapangyarihan ng kadiliman ay napakalakas pa rin. Sumunod na nakipaglaban ang mga tao ng Tubig, ngunit ibinaba pa rin sila ng kapangyarihan ng kadiliman, pinrotektahan nila ang kanilang sarili at ang iba pang nasugatan, at hindi nagtagal ay umatras. Ang mga taong napiling gumamit ng elemento ng apoy, muntikan nilang matalo kapangyarihan ng kadiliman, ngunit natalo pa rin. Lahat sila ay sinubukan ang kanilang makakaya upang talunin ang kapangyarihan ng kadiliman, ngunit ito ay masyadong malakas na kahit na ang elemento ng apoy ay hindi maaaring talunin ito. Kaya akala nila ito na ang katapusan.
Sa pagbagsak ng mga ulap ay sa wakas ay may dumating. Natulala ang mga tao sa taong ito, nalito sila kung sino siya at kung ano ang elemento niya. Napakakinang niya, nakasuot ng puting damit, maaliwalas ang balat at mahabang kayumanggi na buhok. Si Aether iyon, at naparito siya upang talunin ang kapangyarihan ng kadiliman. Para siyang ilaw, pinagaling niya ang mga taong nasugatan at ibinalik ang mga taong namatay gamit ang kanyang elemento. Nagulat ang mga tao dahil sa kanyang kakaibang elemento. “Kapag bumagsak ang langit, kapag gumuho, tatayo tayo at haharapin ang lahat ng ito nang sama-sama." Sabi niya. Bumuo siya ng isang malaking ilaw gamit ang kanyang mga kamay, itinaas niya ang ilaw sa kanyang mga kamay at pinalutang ito para makita ng lahat ang liwanag. Pumikit siya at sinabing " Ang lugar kung saan nagsisimula ang liwanag at dilim sa iyo ay kung saan lumitaw ang mga himala. Hayaang walang magpalabo sa liwanag na kumikinang mula sa loob. Hayaang dumaloy ang aking kapangyarihan ngayon din. " Sumabog ang liwanag at kumalat sa buong nayon. Nasisikatan ng liwanag ang mga tao kaya napapikit sila. Iminulat nila ang kanilang mga mata at makalipas ang ilang saglit at ang madilim na kalangitan ay unti-unting nawala. Pinuri ng mga tao sa buong nayon si Aether at ipinagdiwang ang kanilang tagumpay. Bumalik sa dati ang lahat at bumalik narin si Aether sa kanyang kinauukulan. Siya ay maaalala magpakailanman ng mga tao at ang kanyang elemento ay naging bahagi ng apat na elemento na ngayon ay lima na. Hangin, Lupa, Tubig, Apoy at panghuli Espiritu.
Maikling Kwento Writing Contest Entry#7
Yashiro Nene
Title: "Ang Kwarto"
Hindi na bago kay Yena ang makakita ng mga tao na hindi nakikita ng iba. Isa itong bagay na nakasanayan na nya, ngunit ng simula ng mamatay ang kanyang tiyo mas lumala ang mga nakikita nya. May mga panahon na sasabihin nya sa kanyang magulang dahil sa takot ngunit hindi nila ito pinag tuunan ng pansin. Tanda pa nya noong una nyang nakita ang kanyang tiyo matapos itong mamatay.
Tanghali noon at nanonood sya ng programa sa telebisyon, habang nanonood sya ay parang may nagsabi sa kanya na tumingin sa kanyang likudan at doon nya nakita ang kanyang tiyo. Pumasok ito sa kanilang terrace at noong mapansin na nakatitig si Yena ay bigla itong nagderetso at tumagos sa pader. Dahil sa gulat ni Yena hindi agad sya nakagalaw nang mahimasmasan sya ay tumakbo agad sya sa bahay ng kanilang lola kung nasaan ang kanyang ina at ama, nangangatal niyang sinabi ang kanyang nakita at doon ay pinaniwalaan na nila ang nga sinasabi ng kanilang anak. Madami pang mga naranasan si Yena.
"Ma sumilip ka ba sakin?" Natanong ni Yena matapos makitang may nakasilip sa pinto ng kanilang tindahan.
"Pano ako sisilip eh nagbebenta ako dito?" Sagot naman pabalik ng kanyang ina.
"Edi sino yung sumilip?"
"Aba ewan ko, hay nako Yena tigil-tigilan mo ako sa mga nakikita mo at kinikilabutan ako. Wag mo nalang pansinin." Walang nagawa si Yena kung hindi tumahimik na lamang.
Isa sa pinakang nakakatakot na naranasan ni Yena ay nangyari sa kanyang kwarto. Natutulog sya noon ng maalimpungatan sya, mayroon syang nakita na nakaupo sa paanan niya at nakatitig sa kanya nang mapinsin nito na gising na sya ay inayos pa nito ang kumot nya. Minsan rin habang napasok siya sa online class niya ay may makikita syang nakaupo sa isa sa mga upuan nya sa kanyang kwarto at nakatitig sa kanya.
Masasabi nyang mas madalas na may nakikita sya sa kwarto nya kesa sa ibang lugar.
"Neng alam mo ba, may bata at babaeng dalaga sa kwarto mo. Hindi naman sila masamang espirito kaso kada may papasok sa kwarto mo ay kanilang sinusundan at pinagmamasadan"
Tinandaan nya ang mga salita ng kapitbahay nila noong pumunta ito sa kanila, at para na namang nagbago ang mundo nya dahil doon.
Isang tanghali noong nakatulog sya at nakaranas ng sleep paralysis, nagising sya noon at nagtataka sya kung bakit hindi sya makagalaw naririnig nya ang usapan ng mga tao sa labas ngunit kahit anong gawin nya hindi sya makapagsalita o makakilos.
Habang sya ay nagpupumilit na kumilos may lumabas na babae at inilahan nito ang kanyang kamay, hindi nya ito kinuha at habang tumatagal papalapit ng papalapit ang mukha nito sa kanya. Nagising sya ng tuluyan at doon nya napagtanto na hindi pala talaga sya gising noong nangyari iyon.
Matagal tagal din bago pa ulit siya makaranas ng ganoong pangyayari, ito ay masasabi nyang mas nakakatakot kesa sa una nyang naranasan. Katulad ng dati nagising sya ngunit ngayon madilim na ang lahat.
Pumikit agad sya ng mapagtanto nya ang mangyayari, pinilit din niyang igalaw ang kanyang mga kamay at habang ginagawa nya ito naramdaman nya ang pagupo ng isang bata sa kanyang ulunan. Nararamdaman nyang nakatapat sa mukha nya ang mukha nito at tila may binubulong ito ng paulit ulit.
Mga salitang hindi nya maintindihan at nang sya ay magising nang tuluyan nakaranas siya ng hirap sa paghinga. Umiyak sya dahil parang kahit gising na sya ay nararamdaman pa din nya ang bata.
Hindi nya ito ipinagsabi sa iba, hanggang sa ilang beses syang nakaranas nito doon na nya ito sinabi. Binigyan sya ng mga blessed objects. Binigyan din nila siya ng ilang payo katulad ng huwag humiga ng patihaya dahil mas makakaranas sya ng mga ganoong pangyayari.
Masasabi nyang nakatulong ang mga binigay sa kanya dahil nabawasan ang mga nararanasan nya. Hindi rin maiwasan na mayroon talagang mga pangyayari na kinakikilabutan niya ngunit kinimkim na nya ang lahat.
Maikling Kwento Writing Contest Entry#9
Roronoa Zoro
Title: "Ang Misteryo sa Hotdog Stand ng Engkanto"
Noong isang araw, may isang masayang hotdog stand sa tabi ng malaking kakahuyan sa gubat ng Barangay Kapre. Ito ay pinamamahalaan ng isang magandang dilag na nagngangalang Esmeralda. Siya ay isang engkantada na may kakaibang kapangyarihan na magluto ng mga espesyal na hotdog.
Ang mga hotdog ni Esmeralda ay hindi lamang mga simpleng hotdog, may mga kakaibang sangkap ito na nagbibigay ng misteryo at masarap na lasa. Ang ilan sa mga ito ay ginto na kagat-kagat, cheese na umaapaw, at mayroon pang pritong squid ink na nagbibigay ng masaya at kakaibang kulay.
Ngunit ang tunay na lihim ng hotdog stand ni Esmeralda ay ang kanyang espesyal na hotdog sauce. Gawa ito mula sa kabuuang hukbo ng mga diwata na nagbibigay ng kakaibang lakas at kapangyarihan sa sinumang kakain nito. Ang sauce na ito ang nagbibigay sa hotdog ng buto-buto na hatid ang mga kamangha-manghang kapangyarihan.
Isang araw, dumating ang isang duwende na may pangalang Doroy. Siya ay kilalang matakaw sa pagkain at nabalitaan niya ang tungkol sa hotdog stand ni Esmeralda. Hindi pinalagpas ni Doroy ang pagkakataon na matikman ang mga espesyal na hotdog na sinasabi-sabi ng mga tao.
Nagtungo si Doroy sa hotdog stand at namangha sa mga kulay at tuwa na hatid ng mga hotdog. Ngunit, may isang bagay na hindi malinaw sa kanya. Ang nabalitaan niya ay may espesyal na sauce ang mga ito na nagbibigay ng kapangyarihan. Nais niyang masubukan ang kapangyarihang iyon.
Matapos kumain ng isang malaking order ng hotdog, biglang naramdaman ni Doroy ang isang likido na gumagapang patungo sa kanyang paa. Hindi niya alam na siya ay nagiging invisible dahil sa kapangyarihan ng sauce. Naging tila isa siyang kumakain ng hotdog-floating-angry-duwende.
Dahil sa kaguluhan, nagkagulo ang mga tao sa hotdog stand at nagulat si Esmeralda sa nangyari kay Doroy. Nakaramdam siya ng konsensya kaya agad niyang hinanap ang mahiwagang libro ng mga engkantada. Ayon sa libro, ang kapangyarihan ng sauce ay mawawala sa isang tao kapag ipinahid ito sa kahabaan ng mga hibla ng tuba.
Nagsimula si Esmeralda na maghanap ng mga hibla ng tuba, ngunit sa layo na ng takbo ni Doroy at ang kalat ng kanyang mga pagkain, napapalayo na rin sila ng dalawa sa hotdog stand. Sa kabila ng hirap, hindi sumuko si Esmeralda sa paghahanap at patuloy na sumunod kay Doroy na naglalakad na invisible.
Matapos ang ilang oras ng umaabang pagtakbo, natuklasan ni Esmeralda ang isang malaking puno ng talahib na may napakaraming hibla ng tuba. Unang hulog ng patak ng sauce sa hibla, agad na nagparamdam si Doroy ng kanyang katawan. Lumabas siya sa pagiging invisible sa gitna ng kakahuyan at, sa wakas, ay mapayapang nakapagpatuloy ang lahat.
Nang malaman ni Doroy ang nangyari, nagpasalamat siya kay Esmeralda at minarapat niyang magbalik sa hotdog stand, subalit, may munting kondisyon. Bilang pasasalamat sa kagitingan ni Esmeralda, hiniling niya na simulan nito ang pagluluto ng isang espesyal na engkanto hotdog na mayroong laman ng pambihirang kahit-isang-tingi lang na gold bullion.
Ngumiti si Esmeralda at sumang-ayon sa kahilingan ni Doroy. Mula noon, naging matagumpay ang hotdog stand ni Esmeralda at kilala siya sa buong gubat bilang ang pinakamahusay na tagapagligtas ng mga diwata, engkanto, at duwende. At sa tuwing kinakain niya ang engkanto hotdog ni Esmeralda, hindi niya malilimutan ang araw na nawala siya sa mundo bilang invisible hotdog eater.
Maikling Kwento Writing Contest Entry#11
Secre Swallowtail
Title: "Aking Desdemona"
Noong unang panahon may Diwatang nagngangalang Aite, Isang napagandang diwata na bukod tangi ang kagandahan, pati ang mga napakagandang bulaklak ay napapahiya sa kanyang ganda dahil dito ay napakaraming nais hingin ang kanyang kamay upang pakasalan. Samantala, si Aite naman ay tila hindi interesado sa sino mang lalaki na nais syang pakasalan, marahil ay...sanay na sya sa mga tilay mabulaklak nilang mga salita na wala naman talagang kasamang emosyon. Balak na lamang ni Aite na alagaan ang kalikasan hanggang sa pinakadulo ng kanyang buhay...Ngunit ang pangaray na ito'y nawasak nung sinabi ng kanilang pinupo na sya ay kanyang gagawing bagong reyna ng mga diwata. Para sa ibang diwata ito ay isang magandang pangyayari...pero hindi para kay Aite. Si Aite na tutol sa pangyayaring ito ay walang magawa subalit makakalaban nya ang Hari. Kasabay ng kanyang pag-iyak ang paglanta ng mga halaman sa paligid. Matapos ang ilang oras na pag-iyak at pag-iisip napagdesisyonan nyang tumakas sa mundo ng mga diwata papunta sa mundo ng mga tao. Sa gabing iyon ay tumakas si Aite kung saan nanirahan sya sa kagubatan ng mga tao. Pagkalipas ng umaga ay nagmuni-muni sya sa paligid. Ilang saglit pa ay may narinig syang ingay, dahil sa bawal silang mga diwata makita ng mga tao ay dali-dali syang nagtago sa likod ng isang puno. Mula sa likod ng puno ay napasilip sya sa kung ano man ang gumawa ng ingay na iyon. Nasilayan nya ang isang lalaki na may dalang bukag at sa loob nito ay iba't-ibang mga prutas dahil dito ay nagkaroon ng kuryusidad si Aite na sundan ang lalaki. Habang kanyang sinisilayan ang lalaki sa maghapon ay napansin nyang tila isang masayahin at mabuting tao ang lalaki, kabaliktaran naman sa mga sinasabi ng ibang diwata tungkol sa mga tao. Maya-maya pa ay nagsimulang kumanta ang lalaki ng isang kanta tungkol sa pagmamahal. Si Aite habang nakikinig sa kanyang pagkanta ay napaibig sa lalim ng mga salitang ibinubunga ng kanyang mga labi...Dito, nakita nya ang emosyon ng isang tao na punong-puno ng pagmamahal. At sa bandang huli ng kanta ay napatawa ang lalaki saba'y sabing "Tila'y nagustohan mo ang aking pagkanta, maaari ko na ba makita ang mukha ng aking binibini?". Nabigla si Aite sapagkat di nya inaasahang mahuhuli sya ng lalaki, pero dahil na rin sa sariling kagustohan ay nagpakita sya sa lalaki...Napatitig na lamang ang lalaki......di nya inaakalang makakakita sya ng isang napakagandang babae... "Isang Diyosa" kanyang bulong sa sali. "Napakaganda ng iyong awitin, maaari ko ba itong marinig ulit?" wika ni Aite. Ngumiti naman ang lalaki at sumunod sa wika ni Aite, makalipas ang ilang sandali pagkatapos ng awitin ay binigyan ng prutas si Aite ng lalaki. "Isang prutas para sa isang magandang binibini. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" "Ako si Aite." wika ni Aite sabay ngiti. "Aite...napakagandang pangalan katulad sa may-ari nito. Ang pangalan ko naman ay-" Natigil bigla ang kanilang pag-uusap nang biglang pinalibutan sila ng maraming kawal... Dito ay pwersang kinuha si Aite ng mga kawal pabalik sa mundo ng mga diwata, di na nya nakita pa kung anong nangyari sa lalaki na kanyang nakausap. Pagbalik sa mundo ng mga diwata ay hinarap sya ng hari dahil na rin sa ginawa nyang pagtakas, sinubukan syang bigyan ng isa pangpagkakataon ngunit hindi pumayag si Aite kaya naman ay pinarusahan sya, kung saan kinulong sya sa isang bilanggo ng isang taon. Nung nakalaya ay itinakwil sya ng mga diwata kaya't napunta sya ulit sa mundo ng mga tao. Iniisip na sya'y malaya na, sinubukan nyang hanapin ang lalaki na kanyang minahal. Ilang araw ay nagtagumpay sya sa paghahanap ngunit.......................Isa na syang matandang lalaki na may pamilya na. Ang isang taon pala sa mundo nila ay halos apat na dekada sa mundo ng mga tao... Sinubukan ni Aite na kausapin ang lalaki, nagbabakasakaling natatandaan nya pa si Aite...Ngunit hindi...Kasabay ng pagdakip sa kanya ay binura ang alala ng lalaki upang hindi masabi ang naturang pangyayari sa kahit na sino man. Nagsimulang lumuha ang mga mata ni Aite...Nag-alala naman ang matandang lalaki sa biglaang pag-iyak ni Aite. "Isang prutas para sa isang magandang binibini." napatingin na lamang si Aite sa matandang lalaki at tinanggap ito.
"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"....
"Aite"
"Aite...napakagandang pangalan katulad sa may-ari nito. Ang pangalan ko naman ay Desdemona."
Napangiti na lamang si Aite at napaalam na umalis. Habang naglalakad palayo Tumulo ng huling beses ang kanyang kaliwang mata.
Desdemona....
"Aking Desdemona".
MAGANDANG ARAW!
Magkakaroon ng patimpalak sa pag sulat ang Shounen Gakuen para sa pag diriwang ng Buwan ng Kasaysayan at Wikang Pambansa.
Tema: "Kakaibang Elemento (Diwata, Engkanto, Duwende, atbp.)"
Tagubilin:
1. Lahat ng miyembro ng Shounen Gakuen ay mamaaring lumahok.
2. Ang Kwento ay nangangailangang may pamagat. Isang entry lamang ang tatanggapin sa bawat kalahok.
3. Ang mga entry ay kailangang sumunod sa tema na ibinigay o kahit papano ay dapat may kaugnayan.
4. Ang mga entry ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa 500 salita at hindi lalampas sa 1000 salita kasama ang pamagat at dapat ay nasa wikang Filipino.
5. I-paskil ang gawa sa comment section ng post ng event na nasa ating opisyal na FB group page bago mag ika-19 ng Agosto, 2023 kasama ang format na:
Name:
Division:
#SGMaiklingKwento
Pamagat:
(Ang Iyong Istorya)
MGA PAALALA: Ang pagpopost ng maaga ay maaaring maging kalamangan sa pagkakaroon ng madaming reaksyon sa post. Kapag ang entry ay napost na, di na ito maaaring i-edit. Kung kailangan mang iedit ang entry, maaaring manghingi ng pahintulot sa mga miyembro ng Higher Order.
Batayan:
Kaugnayan sa Tema (Theme)- 25%
Istorya (Plot)- 30%
Pagkamalikhain (Creativity) - 25%
Kalidad, Balarila, at Pagbaybay (Quality/Grammar/Spelling)- 10%
Reaksyon ng mambabasa (Audience Impact)- 10%